Isasara muli pansamantala ang pasilidad para sa paanakan ng Justice Jose Abad Santos General Hospital dahil puno na ang kapasidad nito para sa mga manganganak na pasyente.
Ayon sa pamunuan ng nasabing ospital, simula pa noong Sabado ay itinigil na nila ang pagtanggap ng mga bagong buntis na pasyente matapos pumalo sa 233% ang kanilang occupancy rate o mahigit pa sa doble ang bilang ng pasyente kumapara sa kama ng ospital.
Pinayuhan ng pagamutan ang mga manganganak na sa ibang ospital muna magtungo lalo na’t wala pa silang petsa kung kailan tatanggap ng buntis na pasyente. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)