Inaasahang magkakaharap muli sa huling araw ng 29th ASEAN Summit ngayong araw na ito sina Pangulong Rodrigo Duterte, US President Barack Obama at UN Secretary General Ban Ki Moon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, maaaring magkausap muli sina Duterte at Obama sa huling araw ng ASEAN US Summit.
Sinabi ni Andanar na posibleng sa turnover ng ASEAN chairmanship. magkakatabi sina Duterte, Obama at Ban.
Muling binigyang diin ni Andanar na naniniwala silang na plantsa na ang hidwaan nina Duterte at Obama matapos kanselahin ng US President ang nakatakdang bilateral meeting sa lao sa sidelines ng ASEAN Summit.
By Judith Larino
Photo Credit: Reuters