Nakatakdang bisitahin ni U.S. President Barack Obama ang flagship ng Philippine Navy na BRP Gregorio del Pilar, sa oras na dumating sa Pilipinas, mamayang hapon.
Ito’y bilang bahagi ng commitment ng Amerika sa regional maritime security.
Ayon sa White House, simboliko ang isasagawang tour ni Obama sa nabanggit na barkong pandigma dahil isa ito sa mga dating U.S. Coast Guard Ship na binili ng Pilipinas noong 2011.
Bagaman iginiit ng China na hindi dapat ungkatin ang issue ng territorial dispute sa APEC Meeting, inihayag ni U.S. National Security Advisor Susan Rice na magiging pangunahing paksa ni Obama ang agawan sa teritoryo sa muling pagbisita nito sa Asya.
By Drew Nacino