Humingi ng paumanhin sa pinuno ng Medecins San Frontieres si U.S. President Barack Obama sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono kaugnay ng mapaminsalang air strike sa Aid Group Hospital sa Kunduz, Afghanistan.
Sa kanyang pakikipag-usap kay Medical Charity President Joanne Liu, sinabi ni Obama na ang iimbestigahan ng U.S. ang insidente.
Kung kinakailangan aniya ay magpapatupad ng mga pagbabago ang Amerika para maiwasan na ang kahalintulad na trahedya ayon kay White House Spokesman Josh Earnest.
Ang MSF, na kilala rin bilang doctors without borders, ay nananawagan para sa isang independent international fact-finding commission para imbestigahan ang nasabing pambobomba.
By Mariboy Ysibido