Humingi ng paumanhin si US president Barack Obama sa pagkamatay ng Japanese women na umano’y hawak ng dating US marine.
Inihayag ni Obama ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng biktima nang dumating ito sa Japan para sa G-7 meeting.
Ayon kay Obama, patuloy na makikipag-ugnayan ang US sa Japan para siguruhing mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima.
Matatandaan na inaresto si Kenneth Franklin Shinzato, isang civilian worker sa US kadena air base sa Okinawa prefecture dahil pinaghinalaang itong iniwan ang katawan ng isang 20-anyos na babae.
Inamin din ni Shinzato na siya ang pumatay sa biktima na nawawala pa noong nakaraang buwan.
Ikinatuwa naman ni Japanese prime minister Shinzo Abe ang paghingi ng tawad ni Obama.
By: Mariboy Ysibido