Nagbabala si US President Barack Obama sa mga kumakandidatong pagkapangulo ng US na iwasang pataasin ang tensyon kapag sila’y nangangampanya.
Ito’y makaraang kanselahin ni Republican Presidential Aspirant Donald Trump ang campaign rally nito sa Chicago nang magkagirian ang kanyang mga taga-suporta at mga nagpoprotesta.
Sinabi ni Obama na dapat ay hindi nang-iinsulto ang mga kandidato at lalong-lalo, aniya, na wag hayaan ng mga ito na mauwi sa karahasan ang kanilang mga kampanya.
Umaabot na sa halos 40 ang bilang ng naarestong nagprotesta sa mga campaign rally ni Trump.
Ilan sa mga galit na protesters ay mga black American at mga banyaga.
Una nang inakusan si Trump ng kanyang mga karibal na gumagamit ang nasabing republican ng mga pananalitang nakapagpapagalit sa mga minority.
By: Avee Devierte