Hinimok ni US President Barack Obama ang Turkey at Russia na pahupain ang tensyon kaugnay ng pagpapabagsak umano ng Turkish jets sa Russian warplane.
Matapos ang pakikipagpulong kay Turkey’s Recep Tayyip Erdogan sa Paris, tiniyak ni Obama ang suporta nito sa karapatan ng Turkey na ipagtanggol nito ang bansa at airspace.
Gayunman, iginiit ni Obama na iisa lamang ang kanilang mga kalaban at ito aniya ay ang ISIS.
Pinayuhan ni Obama ang Russia at Turkey na bigyang tuon ang tunay na banta sa seguridad ng mga bansa, ang terorismo.
By Ralph Obina