Pormal na ng ibinasura ni US President Donald Trump ang pagpapatupad sa kontrobersyal na Obamacare Health Law.
Ito ang kauna-unahang EO o Executive Order na nilagdaan ni Trump ilang oras matapos niyang manumpa bilang ika-45 Pangulo ng Amerika.
Layon ng nasabing kautusan na pagaangin ang pasanin ng pamahalaan dahil sa pangambang maka-apekto ang Obamacare sa ekonomiya ng Amerika.
Batay sa 2010 Affordable Care Act o Obamacare, idinagdag sa health insurance coverage ang may 20 milyong Amerikano.
By: Jaymark Dagala