Tigilan na ang paninisi sa nakaraang administrasyon.
Ito ang payo ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo kay Pangulong Noynoy Aquino.
Giit ni Pabillo na limang taon nang nakaupo sa puwesto ang Pangulo at wala aniyang ginawa ito kundi ang bakbakan ang Arroyo administration.
Sinabi pa ni Pabillo na hindi na akma ang paninisi lalo pa’t ilang buwan na lamang ay magtatapos na sa termino ang Pangulong Aquino.
Samantala, pinuna rin ni Pabillo ang State of the Nation Address ng Pangulong Aquino na nagamit aniya sa propaganda sa halip na ilahad ang tunay na estado ng bansa.
By Ralph Obina