Nagbabala si Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales sa botante ngayong papalapit na ng papalapit ang 2016 presidential elections.
Ayon sa kardinal, marami aniyang naglipanang mga kandidato na mapag-balatkayo, mapanlinlang at mga manloloko na tanging sariling interes lamang ang pakay sa poder.
Kasabay nito, nanawagan ang kardinal sa mga botante na mag-isip at magnilay para sa kinabukasan ng bansa.
Dahil dito, sinabi ng dating arsobispo na dapat paka-ingatan ng mga botante ang kanilang sagradong boto at huwag ibenta para matiyak na malinis at hindi magiging bayaran ang halalan.
By Jaymark Dagala