Hinamon ni Antipolo Bishop Gabriel Reyes ang mga botante na ipakita ang kanilang malasakit sa bansa sa darating na halalan.
Ayon kay Reyes, napapanahon nang pagmalasakitan ng taumbayan ang bansa.
Malaking hamon aniya sa mga botante na bumoto ng tama at responsable upang maipahayag ang kanilang malasakit at pagmamahal sa bansa.
Idinagdag pa ni Reyes na hindi magkakaroon ng radikal na pagbabago ang Pilipinas kung mananatiling iresponsable ang mga botante at ibinebenta ang kanilang boto.
By Meann Tanbio | Aya Yupangco (Patrol 5)