Sang-ayon si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na gawing mandatory ang pagpapabakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Paliwanag ni Galvez, ito ay dahil nahaharap tayo ngayon sa pandemya dahil sa nakakahawang sakit.
Aniya, sinabi ng World Health Organization na hindi tayo magiging ligtas kung hindi magiging protektado ang lahat.
Giit ni Galvez, kung bakunado ang lahat ay saka pa lamang magkakaroon ng “complete safety and protection” laban sa COVID-19.—sa panulat ni Hya Ludivico mula sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos