Nilinaw ng Pateros local government na hindi sapilitan ang paglalagay ng dilaw na laso sa bahay ng mga COVID-19 positive.
Una nang binatikos partikular ng mga netizen ang naunang kautusan dahil isa umano itong uri ng diskriminasyon.
Ayon kay Pateros Mayor Ike Ponce, nakadepende na lamang sa residente kung gusto nilang magpalagay ng yellow ribbon.
Ito’y upang epektibong makapagpadala ng tulong at bilang bahagi ng pagpapatupad ng granular lockdown.
Setyembre a-kinse nang i-anunsyo ni Ponce ang paglalagay ng dilaw na laso sa gate o labas ng bahay ng mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 upang mas madali umanong malaman.—sa panulat ni Drew Nacino