Suspendido pa rin ng mandatory vehicle testing ng Private Motor Vehicle Inspection Centers o PMVIC.
Ayon kay Land Transportation Office o LTO Chief Edgar Galvante, kahit suspendido ito ay hindi ibig sabihin na-suspend na rin ang operasyon ng PMVIC.
Dagdag pa ni Galvante, sa mga lugar kung saan may mga PMVIC, malaya pa ring makapamimili ang tao kung sa pmvic o petc magpapa-inspect ng sasakyan bago magpa-rehistro.
Matatandaang, naglabas ng pahayag si Senator Grace Poe kaugnay sa isyu na nagsimula na ang ilang probinsya ng kanilang operasyon sa bagong vehicle inspection system kahit may suspension order na ang DOTr.