Kinontra ng Malacañang ang obserbasyon na hindi masyadong tinatanggap ng publiko ang mensaheng ipagpapatuloy ang Daang Matuwid sa susunod na administrasyon.
Sa harap ito ng patuloy na pangungulelat pa rin ng administration candidate sa mga surveys sa kabila ng ipinangangalandakang mga programang pang-mahihirap ng gobyerno na itutuloy umano ng susunod na presidente.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na malayo na ang narating ng Conditional Cash Transfer Program pati na rin ang 90% coverage sa PhilHealth.
Ang problema naman aniya sa traffic at palpak na operasyon ng MRT (Metro Rail Transit) ay sinosolusyonan na at malapit ng maresolba ito.
Sinabi ni Lacierda na makikita rin ng publiko kung sino ang nagtatrabaho sa ngayon kumpara sa mga pulitikong panay ang ikot para lamang makakuha ng boto sa darating na eleksyon.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)