Obstruction sa mga bus ang nangungunang traffic violation sa Metro Manila ngayong taon.
Ipinabatid ito ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA matapos makapagtala ng halos 5,000 insidente ng obstruction mula January 1 hanggang October 31.
Nasa halos 4,000 naman ang insidente ng paglabag sa yellow lane ang pumapangalawang traffic violation
Nasa mahigit 2,000 ang insidente ng “disregarding traffic sign violations” habang nasa mahigit 1,000 naman ang loading and unloading violations.
Kabilang pa sa mga naitalang paglabag ang open door, by passing terminal, stalled, reckless, OBR o excess of time limit at bus augmentation scheme.
Sinabi ni Roberto Valera, deputy director ng law enforcement service ng LTO na makikipag usap sila sa MMDA para maisama sa proseso ng suspensyon ng lisensya ng mga lumabag na driver ng bus.