Nakahanda ang PDRRMO Occidental Mindoro sa pag-alalay sa mga pasaherong darating sa pantalan ng Abra De Ilog sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.
Ito ang tiniyak ni Provincial Administrator Engr. Mariano Montales Jr. ayon kay Montales asahan na ang pagbabago sa oras ng byahe pabalik sa ibat ibang destinasyon sa Occidental Mindoro at hiniling nito ang kooperasyon at pang unawa ng publiko sa inaasahang pagkaantala ng mga byahe habang nag papatuloy ang emergency meeting ng mga transport group kasama ang LTFRB at lokal na pamahalaan.
Ang kawalan ng mga bus at van na masasakayan mula Port of Abra De Ilog patungo sa mga bayan ng Occidental Mindoro ay bunga ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga kolorum na van at bus sa buong bansa lalo na sa Mindoro kasunod ng malagim na aksidenteng kinasangkutan ng Dimple Star Bus sa Sablayan, Occ. Mindoro.
Nagtalaga rin ng mga information desk ang PDRRMO at PSWD sa terminal ng Abra De Ilog sa pakikipag tulungan sa LGU.
(Ulat ni DWIZ MIMAROPA Correspondent Mariboy A. Ysibido)