Dinapuan ng COVID-19 si Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano.
Batay sa post online ni Gadiano, sinabi nito na positibo ang lumabas sa swab test na isinagawa sa kanya.
Dagdag pa ni Gadiano na nakaranas siya ng ilang sintomas gaya ng ubo, panghihina ng katawan maging ang lagnat.
Dahil dito, agad na nag-isolate si gadiano at nakatakda na ring i-swab ang mga kasamahan sa kanilang tahanan.
Sa huli, nanawagan si Gadiano sa lahat ng mga nakasalamuha noong Hunyo 3 at 4 na sumunod sa health protocols kontra COVID-19 para maiwasan ang hawaan pa ng virus.