Naaresto na umano ng mga awtoridad si dating Congressman at ngayo’y Mayor Jose Villarosa ng San Jose, Occidental Mindoro.
Si Villarosa ay sinasabing nahulog sa kamay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation o NBI sa tanggapan ng Philippine Ports Authority o PPA sa naturang probinsya.
Nag-ugat ang pagkakaaresto kay Villarosa sa 12 bilang ng kasong graft na kinakaharap nito sa Sandiganbayan na may kaugnayan sa iligal umanong paggamit sa tobacco excise tax.
By Jelbert Perdez | Jill Resontoc (Patrol 7)