Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang lalawigan ng Mindoro.
Ayon kay PHILVOCS Research Assistant Vince Rodriguez, ganap na 3:18 ng madaling araw kanina nang maramdaman ang sentro ng lindol 31km northeast ng Lubang, Mindoro.
Tectonic aniya ang origin ng lindol, kung saan asahan na umano ang mga aftershocks na di naman makakapinsala ng anumang uri ng imprastraktura.
May lalim aniyang 85 kilometers ang nasabing pagyanig na naramdaman rin sa ilang bahagi ng Luzon.
Nakaranas naman ng intensity 3 sa lunsod ng Quezon habang niyanig rin ang ilang bahagi ng Metro Manila tulad ng mga lunsod ng Pasig, Marikina at Maynila.