Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Calintaan, lalawigan ng Occidental Mindoro.
Batay sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang pagyanig dakong 9:37 p.m. kagabi.
Namataan ang sentro ng pagyanig sa layong 19 kilometers hilagang silangan ng Calintaan, may lalim na 15 km at tectonic ang pinagmulan nito.
Naramdaman ang Intensity IV sa San Jose, Occidental Mindoro habang Intensity II naman sa Malay, Aklan.
Nakapagtala rin ng Instrumental Intensities sa mga bayan ng Roxas at San Jose sa Occidental Mindoro; Malay at Malinao sa Aklan.
Gayundin sa Pandan at Sebaste sa Antique; Puerto Galera sa Oriental Mindoro; Culasi sa Antique; Lopez at Mauban sa Quezon.