Asahan na ng mga taga Occidental Mindoro ang mas marami pang mga aftershocks matapos tamaan ito ng magnitude 5.5 na lindol kahapon ng umaga.
Ito’y ayon sa PHIVOLCS ay matapos makapagtala pa sila ng aabot sa 200 aftershocks mula nang tumama ang lindol hanggang ala sais kagabi.
Naitala ang sentro ng pagyanig sa bayan ng Rizal kung saan, may lalim itong walong kilometro mula sa episentro at tectonic ang pinagmulan nito.
Nakaranas ng intensity 5 na pagyanig ang bayan ng Rizal sa Occidental Mindoro gayundin ang calapan city sa Oriental Mindoro, intensity 3 sa Lipa City sa Batangas gayundin sa Malay, Nabas at Ibajay sa Aklan Maging sa mga lugar ng Libertad sa Antique at Puerto Galera sa Oriental Mindoro.
Habang nakaramdam ng intensity 2 sa bayan ng San Nicolas sa lalawigan ng Batangas maging sa lungsod ng Maynila.
Gayunman, sinabi ng PHIVOLCS na batay sa kanilang monitoring, wala namang napinsalang mga ari-arian kasunod ng nangyaring lindol.