Bahagyang bumaba sa 75% ang occupancy rate ng Intensive Care Unit beds para sa COVID-19 patients sa bansa.
Batay sa datos ng Department Of Health, 75% ng 4,100 ICU beds ang okupado sa buong bansa habang 73% ng 1,400 ICU beds ang kasalukuyang ginagamit sa NCR.
Gayunman, nananatili sa “high risk” ang occupancy rate ng mga ICU bed maging ang mga ward bed sa buong bansa at Metro Manila.
Nasa 72% ng 15,500 ward beds sa bansa ang okupado habang 73% ng 4,400 ward beds sa NCR ang okupado na rin.
Samantala, 58% naman ng 3,300 mechanical ventilators sa bansa ang ginagamit habang 62% ng 1,200 mechanical ventilators sa Metro Manila ang occupied.—sa panulat ni Drew Nacino