Bumaba ng 52% ang hospital bed occupancy rate sa NCR sa nakalipas na dalawang linggo, ayon sa OCTA.
Gayunman, sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na nananatiling mataas ang utilization rate ng intensive care units sa Metro Manila dahil sa matagal na paggaling ng COVID-19 patients.
Sa kabila nito, nakita ng OCTA na bumubuti ang COVID-19 situation sa NCR.
Ito ay dahil bumaba sa 2,942 ang seven-day average ng mga bagong kaso sa NCR mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 4.
Nasa negative 27% naman ang one-week growth rate sa Metro Manila habang ang reproduction number ay bumaba na sa 0.76.csa panulat ni Hyacinth Ludivico