Nasa moderate hanggang critical ang occupancy rate ng NCR dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Bernadette Velasco, Operations Manager ng One Hospital Command Center, 55.7% ang critical care utilization rate ng NCR sa government hospitals, 50 hanggang 55% ang occupancy sa COVID-19 ward bed at nasa 45 hanggang 50% naman ang occupancy rate sa isolation beds sa mga government hospital.
Ipinabatid pa ni Velasco na nasa moderate risk level naman ang ICU beds sa mga pribadong ospital na nasa 65 hanggang 70% habang nasa 45 hanggang 50% nang okupado ang COVID-19 ward beds samantalang nasa 58% naman ang antas ng isolation beds.
Sinabi naman ni Dr. Alfonso Nuniez, Medical Director ng East Avenue Medical Center na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa pagpasok ng huling linggo ng Hulyo at ang ICU utilization rate nila sa nakalipas na dalawa hangang tatlong linggo ay nasa pagitan ng 50 hanggan 60% subalit sa ngayon ay nasa 90% na ang ICU beds.
Sa Philippine General Hospital (PGH) naman, inihayag ni Dr. Jonas Del Rosario, Spokesperson ng ospital na nasa 153 ang naka admit sa kanila ngayon gayung ang bed capacity ay nasa 225 at malaking hamon sa kanila kung severe o critical at ICU set up.