Malapit nang umabot sa halos 90% ang mga okupadong COVID-19 beds sa Philippine General Hospital (PGH).
Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, patuloy ang pagdami ng COVID-19 admissions sa kanilang ospital.
Aniya, nasa 312 ang COVID-19 patients na naka-admit ngayon sa PGH, kung saan pinakamataas ito mula nang magkaroon ng surge ng Delta variant.
Sa nasabing bilang, 65% ang mayroong mild to moderate case habang ang iba naman ay severe at critical cases.
Dagdag pa ni Del Rosario, nasa 90% ng mga pasyenteng nasa PGH ay “incidental” COVID-19 hospitalizations, o yung mga pasyenteng dinadala sa kanilang pagamutan dahil sa ibang sakit ngunit nagpopositibo sa COVID-19.