Umakyat na sa mahigit 70% ang Intensive Care Unit (ICU) utilization rate sa Capiz habang 36.5% naman ang Healthcare Utilization Rate (HCUR) sa Metro Manila.
Batay sa datos na inilabas ni OCTA Fellow Dr. Guido David, mula sa 42.9% na naitala noong July 24 tumaas ang occupancy rate sa 71.4% noong July 31.
Naitala naman sa Ilo-Ilo at Bohol ang nasa 59.5% at 56.1% maliban sa Ilo-Ilo City.
Samantala, inihayag ng Department of Health (DOH) na ang HCUR ay ang dami ng paggamit ng ICU, isolation bed, at mechanical ventilator.
Sa ngayon, nakapagtala na ang Pilipinas ng kabuuang 24,100 na bagong kaso ng COVID-19 mula July 25 hanggang 31 ngayong taon.