Bumaba na sa 10% ang occupancy rate sa anim na distritong ospital sa lungsod ng Maynila.
Batay sa datos ng lokal na pamahalaan ng Maynila, 49 na lamang ang bilang ng mga okupadong kama mula sa 494 na inilaan na COVID-19 beds para sa mga nagpositibong pasyente.
Nasa 3% at 5% lamang ang occupancy rate sa Gat Andres Memorial Medical Center at ospital ng Maynila.
Habang 44% naman ang occupancy rate sa Ospital ng Tondo, 25% sa Justice Jose Abad General Hospital habang 10% sa Sta.Ana Hospital.
Nananatili naman sa 0% hanggang ngayon ang occupancy rate ng quarantine facility na may 733 bed capacity para sa nagpositibo sa COVID-19. – sa panulat ni Airiam Sancho