Bahagyang bumuti ang bed occupancy rate ng mga pagamutan sa Metro Manila dahil sa muling pagsailalim nito sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakita ng DOH na unti-unting nade-decongest ang mga ospital mula noong 81% sa occupancy rate ng mga ospital, na ngayo’y nasa 76% na lamang.
Paliwanag pa ni Vergeire, batay sa kanilang analysis, ito ang naging magandang epekto ng ipinatupad na MECQ mula August 4 hanggang August 18.
Magugunitang nangalampag ang grupo ng mga health workers sa punong ehekutibo para muling ipatupad ang mas mahigpit na community quarantine, para anila’y makapagpahinga ang kanilang mga tauhan lalo’t marami na rin ang dinadapuan ng COVID-19 sa hanay ng mga frontline health workers.