Sa kabila ng bumababang kaso ng COVID-19 sa Quezon City (QC) ay nananatili paring mataas ang occupancy rate ng mga ospital sa lungsod.
Sa datos ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), nasa 3-M doses ng bakuna na ang naiturok sa mga residente bunsod ng nagpapatuloy na COVID-19 vaccination program ng QC LGU.
Sa ngayon nasa 311% pa rin ang occupancy rate o bilang ng mga kwartong okupado sa dalawang ospital sa lungsod para sa mga pasyente ng COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero