Inihayag ni Dr. Jose Rene De Grano, Presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP) na umabot na sa critical level ang occupancy rate sa mga pribadong ospital sa Metro Manila.
Kasunod ito ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 kahapon matapos sumampa sa mahigit tatlumput tatlong libo ang panibagong COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay de grano, tinuturing na “high-risk” o 70 hanggang 85 percent ang occupancy rate ng 20 pang pagamutan dahil sa mga pasyenteng hindi pa bakunado kung saan, marami ang nagpositibo sa COVID-19 habang ang iba naman ay nakararanas ng moderate symptoms.
Bukod pa dito, marami ring healthcare workers ang nagpositibo sa COVID-19 na kinailangan namang isailalim sa quarantine.—sa panulat ni Angelica Doctolero