Naghahanda na ang Office of Civil Defense o OCD sa pagpasok ng tag-ulan dahil sa pinangangambahang pagragasa ng lahar mula sa bulkang Mayon.
Ayon kay OCD-Bicol Director Claudio Yucot, kasado na ang kanilang contingency plan habang na compute na rin nila ang posibleng gastusin para sa evacuation, relief operations at iba pa.
Nananatili naman sa blue alert ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council lalo na’t nakataas pa rin ang alert level 2 o moderate unrest kung saan mayruong mahina hanggang moderate level ng seismic activity sa bulkan.
Ipinabatid pa ni Yucot na may anim na ring permanent evacuation centers na magagamit subalit hindi pa maisulong ng isandaang porsyento dahil nahihirapang makuha ang 3,000 metro kuwadrado na kinakailangang pagtayuan nito.
—-