Maglalabas ng “No-Sail-Zone” advisories ang OCD o Office of Civil Defense sakaling matuloy ang missile attack ng North Korea sa Guam.
Bagama’t walang anumang banta na idadamay ng NoKor ang Pilipinas, mahalaga pa rin ayon sa OCD na makapag-ingat ang mga mamamayan na maapektuhan ng mga posibleng babagsak na debris.
Gayunman, patuloy pa rin na nakikipag-ugnayan ang OCD sa AFP o Armed Forces of the Philippines para matukoy ang mga lugar na maaaring madamay sa nasabing pag- atake bagama’t anila ay maliit ang posiblidad na ito’y mangyari.