Pursigido ang Office of Civil Defense na ituloy ang earthquake drill sa Huwebes kahit posibleng ideklara itong holiday ng Malakanyang dahil sa ikinakasang malawakang kilos protesta kasabay ng 45th Anniversary ng deklarasyon ng Martial Law.
Iginiit ni O.C.D. Spokesperson Mina Marasigan na sa realidad naman ay hindi maaaring pigilan ang lindol kahit pa holiday.
Ayon kay Marasigan, maaaring mangyari ang lindol sa pagkakataong may maraming tao na nagtitipon-tipon.
Maganda rin aniyang maging halimbawa ang eksenang ito para batid ng mga taong nasa rally ang kanilang gagawin sakaling maganap ang isang malakas na pagyanig kasabay ng kanilang protesta.
Ito anya ay upang maiwasan ang maraming bilang ng mga masasaktan o magbuwis ng buhay.
Ulat ni Jopel Pelenio
SMW: RPE