Pinasalamatan ng Office of Civil Defense (OCD), ang lahat ng nakiisa sa 4th quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na ikinasa kahapon.
Ayon kay Civil Defense Administrator Undersecretary Raymundo Ferrer, ang aktibong pakikilahok ng bawat isa sa naturang aktibidad ay patunay lamang na mulat na ang publiko sa panganib na dala ng lindol.
Layunin ng OCD at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na maihanda ang publiko sa anumang panganib bunsod ng mga pagyanig sa bansa.
Kasama rin sa ginawang paghahanda ng ahensya ang tsunami scenario sa coastal communities.
Sa kabila nito, nanawagan sa publiko si Ferrer, na patuloy na suportahan ang mga programa ng pamahalaan para mapalakas pa ang mga kaalaman at kahandaan laban sa ibat-ibang uri ng kalamidad.