Sinibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang opisyal ng Office of the Civil Defense (OCD).
Ito, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ay dahil sa “lack of trust and confidence” o kakulangan sa tiwala at kumpiyansa ng pangulo sa opsiyal.
Tinukoy ni Roque ang naturang opisyal na si OCD Deputy Administrator Assistant Secretary Kristoffer Purisima.
Bilang parte aniya ng OCD, bahagi si Purisima sa mga ikinakasang hakbang ng gobyerno sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa ngayon, ani Roque, ay wala pang napipili si Pangulong Duterte na papalit sa nabakanteng posisyon ni Purisima.