Pinag iingat ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko sa posibleng aftershocks na maaaring maramdaman.
Ito’y matapos tumama ang magnitude 6.4 na lindol kagabi sa Abra.
Sinabi ng OCD na dapat laging isipin ng publiko ang mga gagawin kapag lumindol gayundin kapag tapos na ang pagyanig.
Ipinabatid pa ng OCD na kung mayroong tinamong pinsala ay huwag agad babalil sa gusali o tahanan pagkatapos ng lindol.
Kailangan din suriin ang mga linya ng tubig, kuryente maging ang tangke ng gas.
Mahalaga din aniya na makibahagi sa eartquake drill upang malaman ng publiko ang mga gagawin kapag tumama ang lindol.