Nakahanda na ang Office of the Civil Defense (OCD) – Bicol sa posibleng pananalasa ni Bagyong Paeng.
Ayon kay OCD-Region 5 Chief Claudio Yucot, Chairperson din ng Office of the Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC), naka red alert status na ang lahat ng kanilang Disaster Response Office bilang handa laban sa kalamidad.
Nagpaalala din sa mga residente ang OCD Bicol na manatiling kalmado at maging handa sakaling tumama ang bagyong paeng sa kanilang lugar.
Inaasahan naman na maglabas ng abiso sa komunidad ang provincial at DRRM Councils dahil sa inaasahang pagkawala ng suplay ng kuryente at internet connections.