Hindi na maiiwasang pumalo sa 1-milyon ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Professor Guido David, miyembro ng OCTA Research group base na rin sa naunang pagtaya nilang sisirit pa sa 1-milyon ang COVID-19 cases sa bansa bago matapos ang buwang ito.
Gayunman, sinabi ni David na kailangang mapababa ang naitatalang arawang kaso ng COVID-19 at tinataya nilang papalo na lamang sa 5,000 hanggang 7,000ang mga magiging bagong kaso ng COVID-19 sa kasalukuyang buwan.
‘Yung 1-million [na inaasahang aabot ang COVID-19 cases ngayong buwan] tatamaan talaga natin. Based on, sa ginawa naming calculations noon, mukhang tatama talaga tayo sa 1 million [cases] kahit anong mangyari,” ani David. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais