Inihayag ng OCTA research group na maraming taga-Visayas at Mindanao ang nagdadalawang isip na magpabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, batay sa kanilang isinagawang survey ay malaki ang vaccine hesitancy sa naturang mga rehiyon, lalo na aniya sa mga liblib na lugar.
Marami aniyang mga indibidwal sa naturang mga lugar ang naniniwala na hindi epektibo ang mga bakuna.
Sinabi pa ni David na maliban sa pagsunod sa minimum public health standards, ay mahalaga rin ang pagpapabakuna upang mapanatili ang pagbaba ng trend ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.—sa panulat ni Hya Ludivico