Hinimok ng OCTA Research Group ang Department of Health na isama ang mga positibong resulta mula sa antigen tests sa tally ng covid-19 cases.
Iginiit ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na ang hindi pagbilang sa mga resulta ng antigen ang sanhi ng “underreported” cases.
Ikinumpara ni David ang testing sa Metro Manila, na umabot na sa 100,000 mula sa nakaraang surge, sa 300 noong delta surge noong Agosto 2021 at 400 sa unang omicron surge noong Enero.
Ayon kay David, hindi umaakyat sa baseline level na 100 ang testing, dahil mas marami na ang gumagamit ng antigen tests kaya’t mayroong mga under-reported na kaso ng covid.
Nauna nang ihayag ng DOH na hindi nito binibilang ang mga resulta ng antigen tests sa daily tally at tanging rt-pcr o swab tests ang kasama sa official covid-19 numbers.
Ito’y dahil hindi lahat ng positibong resulta ay maituturing na kwalipikado para mapabilang sa official case count at karaniwan na ang false positives sa antigen testing.