Walang nakikitang panibagong COVID-19 surge ang OCTA Research Group sa kabila ng nalalapit na christmas season kung saan inaasahang maglalabasan ang mga tao.
Ayon kay OCTA Research Group Fellow, Dr. Guido David, wala ng iba pa silang nakikitang panibagong variant maliban sa Delta sub-variant na sinasabing 10% mas nakahahawa.
Bagaman marami na anyang binabakunahan, partikular sa Metro Manila, dapat makasabay ang mga nasa lalawigan kung saan mataas ang vaccine hesitancy ng mga tao.
Muling pinaalalahanan ni David ang publiko na dapat pa ring magpatuloy sa contact tracing, testing, quarantine at isolation at pagsunod sa minimum public health standards.
Hangga’t maaari ay iwasan din ang mass gathering at panatilihin ang pagsusuot ng facemask at pagsunod sa social distancing para tuluyang bumaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5), sa panulat ni Drew Nacino