Iginiit ng grupong OCTA Research na hindi nito kinokontra ang pamahalaan bagkus ay tumutulong lamang silang labanan ang COVID-19.
Ayon kay OCTA Fellow, Professor Ranjit Rye, hindi sila nakikipag-paligsahan sa gobyerno at boluntaryo silang naglilingkod sa bayan.
Binigyang – diin ni Rye na hindi sila konektado sa anumang ahensya ng pamahalaan maging sa University of the Philippines pero karamihan sa mga miyembro nila ay mula sa naturang pamantasan.
Binubuo ang OCTA ng mga boluntaryong medical doctors, political scientists, mathematicians at infectious disease experts.—sa panulat ni Drew Nacino