Hindi pa napapanahon na luwagan ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR).
Ito ay ayon kay OCTA research fellow Guido David, maaga pa para isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine o MGCQ ang NCR.
Kailangan muna aniya maabot ng bansa ang target na bilang sa ipinapatupad na vaccination program upang masigurado ang kaligtasan ng mga Pilipino.
Sinabi pa ni David na maaaring umabot sa 50% ang population protection level ng NCR sa Nobyembre at 55% sa buwan ng Disyembre kung saklaw nito ang 10 milyong populasyon ng lugar.
Magugunitang, nakasailalim ang NCR plus bubble na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan, Rizal hanggang sa Hunyo 30.