Hindi pananakot sa publiko ang inanunsiyo ng OCTA research team kaugnay sa nararanasang panibagong surge o pagsirit ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region o NCR.
Ito ang nilinaw ni Prof. Ranjit Rye, dumaan sa masusing obserbasyon at mga datos ang naturang pagsirit ng kaso sa Metro Manila.
Aniya, base sa lumabas sa kanilang pagsusuri, hindi lamang simpleng pagtaas ng kaso ang nangyayari sa NCR.
Paliwanag pa ni Rye na nag-aaccelerate ang pattern ng pagtaas ng bilang ng kaso ng virus.
Giit pa ni Rye, ipinapaabot lamang nila sa publiko ang totoong sitwasyon sa metro manila upang patuloy na mag-ingat ang bawat isa sa bansa.