Pinayuhan ng OCTA research group ang gobyerno na ibilang sa priority na mabakunahan ang COVID- 19 high risk areas at hotspots.
Ito ayon kay Professor Guido David ay bagamat nauna na rin nilang isinulong na i-prioritize ang NCR plus na siyang sentro ng COVID -19 cases.
Ipinabatid ni David na nagpasya ang gobyerno na i-prioritize ang pagbabakuna sa NCR plus kasama ang Pampanga, Metro Cebu at Metro Davao.
Una nang tinukoy ng OCTA research ang ilang areas of concern sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 na kinabibilangan ng Cagayan De Oro, General Santos, Koronadal, Cotabato, Davao, Bacolod, Iloilo, Dumaguete at Tuguegarao.