Posibleng bumaba pa sa 3,000 hanggang 4,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa habang bubulusok sa 400 hanggang 600 ang daily cases sa Metro Manila pagsapit ng Disyembre.
Batay ito sa panibagong projection ng OCTA research group kaugnay sa daily COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay OCTA Research Fellow, Dr. Guido David, maaari namang bumaba sa average 6,000 new cases kada araw ang maitala sa bansa habang nasa 1,000 cases per day sa NCR sa susunod na buwan.
Mas mababa anya ito kumpara sa kanilang pagtaya noong Setyembre 29.
Una nang inihayag ni David na nasa 1,933 ang kasalukuyang seven-day average ng bagong COVID-19 case sa NCR, na pinakamababa simula noong Hulyo 31 hanggang Agosto 6.—sa panulat ni Drew Nacino