Itinatwa ng University of the Philippines (UP) ang OCTA Research Group.
Ayon sa pamunuan ng UP, hindi sila affiliated sa nasabing research group at wala silang inindorsong anumang pag-aaral ng grupo hinggil sa COVID-19.
Binigyang diin ng UP na bagamat hinihimok nila ang kanilang alumni na magsagawa ng research at palakasin ang kanilang expertise para sa mga Pilipino, ang OCTA Research ay hiwalay sa research units ng unibersidad.
Ipinabatid pa ng UP na may pagkakaiba ang isinusulong ng individual UP researchers sa mga proyekto at programa ng official UP academic and research units na dala ang pangalan ng unibersidad, simbolo at maging approval.
Hindi anito ini-insponsoran, ini-endorso o inorganisa ng unibersidad ang mga initiatives partikular ng UP faculty at research staff members tulad ng polling, research at consultative activities ng OCTA Research Group.
Una nang pinaiimbestigahan ng limang kongresista ang qualifications at background ng nasabing research group.