Maikokunsidera na ring COVID-19 epicenter ang Davao City at Western Visayas dahil sa paglobo ng mga bagong kaso ng coronavirus infections, batay sa pag-aaral ng OCTA research group.
Taliwas ito sa pahayag ng Department Of Health na hindi dapat ituring na sentro ng COVID-19 ang Davao City.
Pero kung si OCTA research group fellow, Professor Guido David ang tatanungin, pasok na ang naturang lungsod maging ang western visayas sa kwalipikasyon upang ikunsiderang COVID-19 epicenter.
Nilinaw ni David na nananatili pa rin namang episentro ang NCR plus pero kapansin-pansin at hindi maaaring baliwalain ang malaking pagtaas anya ng kaso sa Mindanao.
Magugunitang nalampasan ng Davao City ang Quezon City pagdating sa daily average ng bagong COVID-19 cases.—sa panulat ni Drew Nacino