Pinaalalahanan ng OCTA Research Group ang mga guro na tiyaking nasusunod ng mga estudyante ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Mababatid na sinimulan na nitong Lunes ang pilot implementation ng limited face-to-face classes sa mga piling paaralan sa bansa.
Binigyang diin ni OCTA Research Fellow Guido David na dapat pa ring magsuot ng face mask ang mga bata lalo’t hindi pa sila nababakunahan.
Inihalimbawa ni David ang pagtaas ng COVID-19 cases sa United Kingdom dahil sa hindi pagsusuot ng face masks ng mga residente doon.
Ang rekomendasyon ng grupo ay kasunod na rin ng ulat na isang dalawang taong gulang na bata ang nagpositibo sa COVID-19 ilang araw matapos magtungo sa mall. —sa panulat ni Hya Ludivico